WebClick Tracer

SPORTS

Durog sa Celtics! Jayson Tatum, Jaylen Brown, Boston tinambakan Milwaukee

UMISKOR ng 40 si Jayson Tatum, dinagdagan ni Jaylen Brown ng 30, at dinemolis ng Boston Celtics ang NBA-leading Bucks 140-99 Huwebes ng gabi sa Milwaukee.

Dalawang laro sa likod ng Bucks (55-22) ang No. 2 Celtics (53-24) sa East.
Maangas na 22 for 43 mula sa labas bg arc ang Boston.

Hindi umubra ang 24 points ni Giannis Antetokounmpo sa Milwaukee.

Kalagitnaan ng third quarter, sumargo ang bibig ni Bucks forward Khris Middleton nang abutin ng siko ni Brown. Natawagan ng charging foul si Brown, tinahi ang upper lip ni Middleton.

Nagpundar ng 114-74 lead ang Celtics pagkatapos ng three quarters at hindi na nakapalag ang Bucks.

Mula sa floor ay 11 of 27 si Antetokounmpo, 0 for 5 sa 3s.

Inumpisahan ni Jrue Holiday ang laro sa isang tres, pero mula roon ay 1 for 7 na lang tungo sa 6 points. (Vlaid Eduarte)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on