TINAPOS ni Aaron Judge ang nakaraang MLB season sa 62 home runs.
Inumpisahan ng slugger ang 2023 sa malutong na solo drive mula kay Logan Webb sa 5-0 win ng Yankees laban sa San Francisco Giants sa opening day nitong Huwebes.
Sinalubong ng hiyawan mula sa 46,172 crowd sa Yankee Stadium si Judge paglabas ng first-base dugout sa pregame introductions.
Ilang sandali pa, pinalipad niya ang 422-shot paalpas sa netting sa center field – ang una niyang home run sa Major League season.
Bago ang opening day noong isang taon, tinabla ni Judge ang offer ng Yankees na seven-year, $213.5 million.
Binasag ni Judge ang American League home record na 61 ni Roger Marris noon pang 1961.
Kalaunan, pinirmahan ni Judge ang nine-year $360M contract at agad siyang itinalagang captain ng Yanks.
Pinanood muna ni Judge ang first-pitch strike ni Logan Webb, pinalagutok ang cutter para sa 109 mph drive.
First swing, first opening day home run ni Judge. (Vladi Eduarte)