WebClick Tracer

NEWS

Tolentino kumambiyo sa sugar smuggling probe

Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa Senate blue ribbon committee na itakda na ang iskedyul ng pagdinig sa panibagong anomalya sa pag-angkat ng asukal na tinawag niyang “state-sponsored”.

Ginawa ni Hontiveros ang panawagan matapos ihayag ni committee chairman, Senador Francis Tolentino, na hindi pa niya mai-schedule ang hearing dahil kulang ang binigay na dokumento ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

“Inaasahan ko ang commitment ni Chair Tolentino na dinigin ang sugar fiasco round two, and I have full faith that he will be as zealous as he was durin­g the first sugar hearings,” ayon sa senadora sa isang statement.

“I call on the Sugar Regulatory Administration (SRA) to submit the documents promptly dahil kayo daw ang hinihintay,” giit pa niya.

Sabi pa ni Hontiveros, puwede namang magsagawa ng pagdinig ang komite at ipa-subpoena duces tecum ang mga dokumento na kinakailangan mula sa SRA.

Tatlong importer lamang ang pina­boran sa pag-angkat ng 440,000 tonelada ng asukal, marami dito ay dumating na sa bansa kahit pa ang Sugar Order ng SRA kaya maituturing na smuggled. (Dindo Matining)

Kumambiyo si Senador Francis Tolentino sa pag-imbestiga sa isyu ng sugar smuggling sa pagsasabing hihintayin niya muna ang dokumento mula sa Sugar Regulatory Administration.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on