WebClick Tracer

SPORTS

Scottie Thompson, Gin Kings palaot ulit sa Govs Cup finals

BINUHAT nina Scottie Thompson at rookie Jeremiah Gray ang Barangay Ginebra mula sa 18 puntos na pagkakaiwan upang tuluyang walisin ang San Miguel Beer, 87-75, tungo na sa muling pagtuntong sa kampeonato ng 2023 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Isang tres ni Gray ang nagbigay sa Ginebra sa 1:51 minuto ng laro sa 83-82 abante bago isinalpak ni import Justin Brownlee ang off-balance shot at ibinigay ang krusyal na pasa kay Christian Standhardinger upang angkinin ng Gin Kings ang pabuuang pitong beses na pagtuntong sa kampeonato ng komperensiya.

Tumulong nang husto ang kasalukuyang MVP na si Scottie na may 17 puntos, 11 rebounds at 3 assists para suportahan si Brownlee na may 22 puntos, 14 rebounds, 4 assists at 2 steals para isara ang sarili nitong best-of-five na serye at abutin ang kabuuang 38th finals appearance.

Nagtala si Standhardinger ng 14 puntos, 17 rebounds, 7 assists at 2 steals habang si Gray ay may 13 puntos, 6 rebounds, 1 assist at 1 block.

Si Jamie Malonzo ay may 12 puntos, 7 rebounds, 1 assist at 2 steals para sa Gin Kings. .

Nilimitahan ng Ginebra sa huling 4:10 minuto ng laro sa isang tres lamang ang Beermen mula kay Lassiter na huling nagtabla sa laro sa 85-all.

May pagkakataon pa ang Beermen na agawin ang panalo subalit sumablay si Marcio Lassiter sa huling apat na segundo.

Una nang nalimitahan si Standhardinger sa dalawang puntos lamang sa unang hati ng labanan.

Umabot sa pinakamalaking abante ng Beermen sa 18 puntos sa 6:59 minuto ng ikatlong yugto, 62-44, mula sa isang tres ni Marcio Lassiter.

Ang unang triple naman ni Lassiter sa 6:59 mark ng third ang nagbigay sa SMB ng isang mahusay na 62-48 lead, inilipat siya sa solo No.6 sa all-time list para sa karamihan ng 3FGMs sa isang karera sa paglipas ng dating Beerman Dondon Hontiveros ( 1,137).

Ang larong ito ay nagbigay-daan din kay Gray na makapaglaro nang hindi bababa sa 70% ng mga laro ng kanyang koponan, na ginagawang karapat-dapat siya para sa mga indibidwal na parangal ng liga tulad ng Rookie of the Year na parangal sa pagtatapos ng season. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on