Sumailalim sa operas¬yon si Senador Ramon Bong Revilla Jr. upang alisin ang sumasakit niyang gallbladde¬r o apdo.
Isinugod siya sa ospital noong Lunes matapos makaranas ng matinding sakit sa kanyang tiyan. Sa isinagawang pagsusuri, nakita ang mga bato sa kanyang apdo.
Ang apdo ang siyang lumilinis sa dumi ng kinakain ng tao at kung may nabuong bato dito ay makakaramdam ng sakit sa tiyan kapag pumipiga ang apdo.
Sa video message ng 56-anyos na si Revilla sa Facebook, sinabi ng senador na nag-trigger ito dahil sa pagkain niya ng chicharong bulaklak.
“Alam n’yo kung ano ‘yong kinain ko na nag-cause ng gall bladde¬r operation? ‘Yong chicha¬ron bulaklak, oily food,” wika ni Revilla.
“At least I’m okay now puwede naman daw i-function ng liver yung function ng gall bladder kaya na rin i-shoulder ng liver. Nothing to worry sa akin. I’m sure marami nandiyan na nakakarelate na wala nang gall bladder,” dagdag ng senador na nakalabas na ng ospital nitong Miyerkoles.