WebClick Tracer

NEWS

PBBM kinalampag Kongreso! Mga batang Pinoy pandak, kulang sa tsibog

Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tulong ng Kongreso upang matugunan at malutas ang problema ng malnutrisyon sa bansa dahil maraming bata ang nagiging bansot.

Sa kanyang pagdalo sa ini­lunsad na Philippine Multisectoral Nutrition Project sa Manila Hotel nitong Miyerkoles nang umaga, hiniling ng pangulo sa mga mambabatas na tumulong sa pamamagitan ng paglikha ng mga batas at polisiya upang malutas ang problema ng malnutrisyon at iangat ang mga pamantayan sa pagsasaayos ng kalusugan at malnutrisyon sa bansa.

“Let me take this opportunity to enjoin our lawmakers for their assistance in this endeavor by helping us develop and enshrine into law policies that will help eradicate malnutrition and uplift the standards of primary health care and nutrition in the Philippines,” anang pangulo.

Batay sa record, ang Pilipinas ay pang-69 mula sa 121 bansa na nasa global hunger index.

Sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati na batay sa inilabas na Expanded National Nutrition Survey (ENNS), naitalang mataas ang insidente ng stunting o pagkabansot sa mga bata at iba pang isyung pangkalusugan dahil sa malnutrisyon.

Hindi rin aniya ligtas sa malnutrisyon ang mga mamamayan na nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang kakayahan, academic performance, productivity at oportunidad na magkaroon ng hanapbuhay.

Ito aniya ang dahilan kaya tinututukan ng pangulo ang katatagan sa food security upang matugunan ang problema sa malnutrisyon sa bansa.

“As we aim for food security, we must also pursue with the same vigor and consistency the remedies to this grave problem of malnutrition,” dagdag ng pangulo.

Dumalo rin sa okasyon si Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kung saan kanyang inulat na 29.5% ng mga batang 5 taon gulang pababa ay pandak.

“29.5% of Filipino children under 5 are stunted. Our issues with nutrition go beyond access to food, these are affected by interplay of various factors such as health education, livelihood, social welfare, and governance,” ani Vergeire. “We are also aware of the intergenerational effect of malnutrition.” (Aileen Taliping/Prince Golez/Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on