Nanindigan ang Department of Education (DepEd) wala pa silang plano na ibalik sa Abril at Mayo ang summer vacation ng mga estudyante sa kabila ng mainit na panahon.
“At the moment, there are no plans to revert,” diin ni DepEd spokesperson Michael Poa.
“As mentioned in a previous statement, school heads have the discretion to suspend in-person classes and immediately switch to Alternative Delivery Mode or Blended learning if the environment is not conducive to learning,” dagdag ng opisyal.
Handa naman ang ahensiya na tumanggap ng ano mang suhestiyon at nangakong pag-aaralan ang usapin kung maibabalik ang summer vacation makaraang maantala ng ilang buwan ang klase dahil sa pandemya noong 2020.
Noong Martes ay hinirit ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education, na ibalik ang April-May bilang summer vacation na matagal nang nakasanayan.
Bunsod ito ng insidente sa Cabuyao City, Laguna na kung saan nasa 100 mag-aaral ang naospital dahil sa ginawang sorpresang fire drill sa tanghaling tapat.
Giit pa ni Gatchalian na kailangang ibalik ang summer vacation dahil ito ay panahon ng pamilya na mag-get together at ang panahon ng July at August ay tag-ulan naman. (Vick Aquino)