WebClick Tracer

SPORTS

Dottie Ardina, mga tropa reresbak sa EPSON Leg 4

BABAWI ang apat na pambato ng ‘Pinas sa pangunguna ng tatlong magkakakuwadra sa ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) na sina Dottie Ardina, Bianca Isabel Pagdanganan at Pauline Beatriz Del Rosario, maging si Clarissmon ‘Clariss’ Guce.

Kaugnay ito sa pagpalo ng 43rd Epson Tour 2023 Leg 4 – $200K (P10.8M) 3rd Casino Del Sol Golf Classic sa par-72, 6,385-yard Sewailo Golf Club sa Tuczon, Arizona sa Marso 30-Abril 2 (Mar. 31-Abr. 3 sa Maynila).

Sa pangatlong yugto ng ET, P10.8M ($200k) 11th IOA Championship sa Beaumont, Californina noong Mar. 24-26, tumapos lang si Ardina sa pang-31 puwesto, pang-54 si Del Rosario at pang-56 si Guce samantalang sumablay sa cut (o sumalo sa pang-67 sa 120 kalahok) si Pagdanganan.

Mintis din sa cut (solo sa pang-117) si Abegail ‘Abby’ Arevalo na dehins kalahok sa pang-apat na torneo ng bahaging ito ng development golf tour ng United States Ladies Professional Golf Tour. (Ramil Cruz)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on