Upang mapangalagaan ang mga enforcer mula sa heat stroke, ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kalahating oras na break sa kanilang mga tauhan simula sa Sabado, Abril 1 dahil na rin sa tindi ng init ng araw sa kalsada.
Isiniwalat ito ni MMDA acting Chairperson Don Artes matapos pirmahan ang isang memorandum circular upang labanan ang heat exhaustion, heat stroke at heat cramps ngayong tag-init.
“This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat every day to fulfill their duties and responsibilities,” saad ni Artes. “Their safety is of paramount importance.”
Ang heat stroke break ay tatagal hanggang Mayo 31, 2023. Sa nasabing kautusan, papayagan ang mga on-duty traffic enforcer at street sweeper na sumilong ng kalahating oras.