WebClick Tracer

NEWS

Gov pinasara museum sa birthday party ng lover

Sino raw itong gobernador ang pinasara ang museum sa kanilang lugar para lamang makapagdaos ng birthday party para sa kanyang nililigawan?

Kuwento ng kaututang-dila ni Mang Teban, nagpakatay daw ng dalawang baboy itong ating bida bilang panghanda sa birthday party ng taong nagpapatibok ng kanyang puson este puso.

Itong si gov, miyembro siya ng pederasyon pero kilalang siga sa kanilang lalawigan kaya palagi itong nananalo sa halalan.

Nataypan daw ni governor ang isang military officer na kahit lagpas 50 na ang edad ay habulin ng mga tsiks, matrona at beki. Guwapo kasi ang military officer at tisoy pa, maganda ang tindig at may matigas na… boses.

Kahit maraming naghihirap at nagugutom sa nasabing lalawigan, bumaha raw ng pagkain sa birthday ng military officer courtesy ni governor. Bukod pa riyan, nagpagawa rin ng malaking cake si gov sa kanyang iniirog kaya naman busog lusog ang mga bisita sa event.

Wala raw ginastos ang military officer sa handaan dahil sagot itong lahat ng kanyang sugar mommy na si governor.

Duda tuloy ng ilang bugoy sa probinsya, boyfriend na ni governor ang military officer dahil walang habas itong gumastos para lamang mapaligaya ang lalaki.

Clue. Mahuhulaan n’yo ang pangalan ng governor dahil pambabae ang apelyido nito.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on