Hindi magiging kritikal ang antas ng tubig sa Angat dam sa Bulacan ngayong tag-init, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ayon kay MWSS deputy administrator for engineering and technical operations group chief Engr. Jose Dorado Jr., MWSS deputy administrator for engineering and technical operations group, abot pa sa 184 meter ang antas ng tubig sa dam noong Marso 12 na mas mataas sa minimum operating level ng dam na 180 meter.
Aminado rin ito na magiging hamon ang El Niño phenomenon na magsisimula sa Hunyo sa magiging reserba ng tubig sa dam. Ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng Metro Manila at abot sa 90% ng raw water sa National Capital Region (NCR) ang dumadaan sa MWSS.
“Below average na rainfall condition ang inaasahan natin, baka mas uminit pa ang panahon dahil walang weather system na magpapaulan sa atin,” paliwanag naman ni weather specialist Dan Villamil. (Catherine Reyes)