Todas ang isang 46-anyos na babae matapos umano itong saksakin ng kanyang selosong live-in partner na nagpakamatay at tinarakan din ang sarili nang matiyak na wala ng buhay ang una sa Caloocan City kahapon nang umaga.
Kapwa naliligo sa sariling dugo sina Julieta Española at Edgardo Mananquil nang matuklasan ng kanilang anak ang bangkay ng mga ito sa loob ng inuupahan nilang bahay sa Phase 4, Package 6, Barangay 176 sa nasabing lungsod bandang alas-8:30 nang umaga kahapon.
Ayon sa mga kapitbahay ng dalawa, madalas nilang naririnig na nagsisigawan ang mga ito kahit na anong oras pa sa gabi.
Ang sobra umanong pagka-seloso ni Mananquil ang laging pinag-aawayan ng dalawa. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.