WebClick Tracer

NEWS

Rodriguez dismayado sa Makati Business Club, Finex

Inakusahan ng chairperson ng House Committee on Constitutional Amendments ang dalawang business group ng pagbaliktad sa kanilang posisyon sa panukalang baguhin ang economic provision ng Konstitusyon.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na nagpadala ng sulat sa kanyang komite ang Makati Business Club (MBC) at Financial Executives Institute of the Philippines (Finex) na sumusuporta sa pagbabago sa Konstitusyon pero ngayon ay kumokontra na sila.

“MBC and Finex are now against Charter amendments. Before this position, they were in favor of changing the Constitution’s economic provisions,” sabi ni Rodriguez.

Sa isang joint statement noong Biyernes, nagpahayag ng pagtutol sa pag-amiyenda sa Konstitusyon ang MBC, Finex, Filipina CEO Circle, Judicial Reform Initiative, Philippine Women’s Economic Network, at Women Business Council of the Philippines at binanggit ang malaking gastos sa cons­titutional convention, ang mga ginagawang paghikayat ng pangulo sa mga negosyante na mamuhunan sa bansa at ang mga batas na naipasa ng Kongreso upang lumuwag ang limitasyon ng economic provision.

Sa isang position paper noong Setyembre 11, 2019, sinabi ni Rodriguez na iginiit ng MBC ang pagsuporta nito sa panukala na baguhin ang Konstitusyon. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on