WebClick Tracer

SPORTS

PSC Women’s 9-Ball sumargo

MASAYANG sinimulan ng Philippine Sports Commission ang pag-organisa ng PSC Women in Sports 9-Ball Cup na dinaluhan ni 3-time world champion Rubilen Amit sa MSAS Building sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Pinangunahan ni PSC Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo ang pagbubukas ng nasabing event na ang layunin ay makahanap ng bagong world champion sa larangan ng billiards.

Dumalo sa opening ng event sina billiards legend Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante bilang pagpapakita ng suporta sa palaro ng PSC.

Sina Reyes at Bustamante ay dating mga wolrd champions sa billiards. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on