Abot sa P4.9 milyon na halaga ng mga puslit na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa isang bangkang de-motor sa Zamboanga City noong nakaraang linggo.
Ayon sa BOC-POZ, naharang ito ng Enforcement and Security Service (ESS) and Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC) sa Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.
Arestado ang apat nitong pahinante nang wala silang maipakitang dokumento para sa mga sigarilyo mula sa Jolo, Sulu pa-Zamboanga City.
Samantala, tiniyak ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na patuloy pang paiigtingin ng ahensya ang anti-smuggling campaign sa bansa para malipol ang mga sindikatong nasa likod nito.