WebClick Tracer

NEWS

P1B danyos kontra MT Princess Empress namumuro

Lalagpas umano sa P1.1 bilyon ang compensation claim na babayaran kaugnay ng pinsalang naidulot sa paglubog ng MT Princess Empress.

Ito ay kung ibabatay umano ang paglubog ng MT Princess Empress sa nangyaring pag¬lubog ng MT Solar sa Guimaras Strait noong 2006, ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, vice chairperson ng House committee on tourism.

“If we look back at the MT Solar incident, a total of P1.1 billion was paid to settle 26,872 compensation claims, including those filed by owners of beach resorts, tour boat operators, and other tourism service providers hit by the 2006 oil spill,” sabi ni Rillo.

Punto ni Rillo, kung ikokonsidera ang pres¬yo ng bilihin 17 taon na ang nakakaraan inaasahan na lalagpas ng P1.1 bilyon ang babayaran ng MT Princess Empress.

Nauna rito ay inanunsyo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor at kinatawan ng insu-rance company ang pagtatayo ng “Claims Caravan” sa Calapan City kung saan maaa¬ring maningil ang mga naaapektuhan sa pag¬lubog ng MT Princess Empress.

Ayon sa Oriental Mindoro provincial government nasa 20,932 ma¬ngingisda, 61 touris¬m establishment at 750 community-based organization ang inaasahang maghahain ng claim. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on