WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

HORI7ON hindi mapigil kasikatan

Nakakaloka na ang kasikatan ng grupong Hori7on, huh!

Aba, umarangkada agad at hindi na nagpapapigil ang HORI7ON sa kanilang pagpapakilala sa buong mundo nang makuha ng pre-debut single nila na ‘Dash’ ang number 1 spot sa iTunes Philippines habang ang music video nito ay umani na ng 1.3 milyong views sa loob lamang ng dalawang araw.

Sa kanilang Instagram live noong Wednesday (Marso 22), labis na nagpasalamat sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda sa mainitin na pagtangkilik ng mga tao sa nasabing streaming platform.

Maganda rin ang pagtangkilik sa ‘Dash’ sa iTunes sa ilang mga bansa tulad ng UAE (15th), Singapore (#30), at Denmark (#80).

Ang sobra pang nakakabilib, ang instrumental version ng ‘Dash’ ay nasa ika-12 puwesto naman sa iTunes Philippines.

Hindi lang ‘yan dahil naging usap-usapan din ang ipinamalas na kagalingang sumayaw at kumanta ng grupo kaya nag-trending din sila sa Twitter at YouTube.

Actually, ang daming napapasayaw kapag kumakanta na ang HORI7ON kaya bibilib ka talaga sa galing ng nasabing grupo.

Hindi na talaga mapigil ang kanilang kasikatan, ‘noh?!

Samantala, para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HORI7ON, i-follow ang @HORI7ONofficial sa Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, at Tiktok.

‘Yun na! (Jun Lalin)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on