WebClick Tracer

NEWS

Ex-gov’t exec astang illegal alien, sinita sa airport

Sino raw itong dating opisyal ng gobyerno ang napagkamalang illegal alien sa Pilipinas?

Kuwento ng ilang Marites kay Mang Teban, nangyari raw ito nang magtungo sa isang lalawigan ang dating opisyal ng gobyerno na tawagin nating OG

Habang nasa airport daw sa Visayas si OG, hinarang ito ng isang staff sa airport at hinihingi ang kanyang passport.

Sandaling nabigla raw si OG pero nang makarekober ay agad na pumutak, daig pa ang inahing manok, at sinermunan ang airport staff.

Sinabihan ng dating opisyal ang airport staff na hindi naman siya mag-a-abroad kaya hindi na dapat siya tinatanong tungkol sa kanyang passport.

Hindi naman mukhang Amerikana, European o Chinese ang ating bida pero may hawig sa mga Indonesian kaya posibleng napagkamalan lang itong banyaga.

Tumatalsik na nga raw ang laway ni OG sa sobrang galit, kulang na lang ay magsuot ng face shield ang airport staff.

Noong umalis na si OG, nagawa pa raw magbiro ang airport staff at sinabing akala niya ay mula sa ibang planeta ang kanyang sinita.

Clue. Ang dating government official ay mahilig makipag-away at aktibo sa social media.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on