Hiniling ng ACT Teachers party-list sa Department of Education (DepEd) na itigil na ang automatic payroll deduction sa utang ng mga titser.
“Hindi dapat nagagamit ang DepEd doon sa paniningil ng mga private lending institution doon sa mga utang [ng mga guro]” giit ni ACT Teachers Rep. France Castro sa radio interview nitong Linggo.
“Kaya kailangan matapos na ‘yang ganyang kalakaran sa lending agencies,” dagdag ni Castro.
Aniya, hindi trabaho ng DepEd na tagasingil ng pautang ng mga lending agency. Hindi raw dapat manghinayang ang ahensiya sa nakukuhang service fee sa mga lending agency.
“Meron kasing 2% na service fee na pinakikinabangan din ng DepEd, ng mga teacher para doon sa sinasabi nilang provident loan,” ani Castro.
“Dapat hindi magamit ang DepEd na tagasingil,” giit pa niya.