Tiniyak ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magsasagawa ang Senado ng pagsisiyasat sa serye ng pagpatay sa bansa, kabilang ang kaso ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sabi ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, maaring simulan ang pagdinig kahit na nasa Holy Week break ang Senado.
Nauna nang ipinagpaliban ng komite ang nakatakda sanang pagdinig para bigyan ang Department of Justice (DOJ) ng sapat na panahon na magkapaghain ng kaso laban sa mastermind ng Degamo killing.
“I will ask an update from the DOJ and if cases have been filed. Even if the Senate is on a break, we can call for a committee hearing,” sabi ni Dela Rosa sa radio interview.
Noong Huwebes, muling nanawagan si Pamplona Mayor Janice Degamo sa Senado na imbestigahan ang pagpaslang sa kanyang asawa at walong iba pa.
Pinasisiyasat pa ng biyuda ng napatay ng gobernador ang umano’y pagkakasangkot ni Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa serye ng patayan sa Negros Oriental. (Dindo Matining)