WebClick Tracer

METRO

Bundok ng Susong Dalaga magdamag nagliyab

Magdamag na tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng Bundok ng Susong Dalaga sa San Jose, Occidental Mindo­ro.

Ayon kay Municipal Fire Marshal Insp. Rogelio Cabalse Jr., nagsimulang umapoy ang mga damo at talahib sa bundok bandang alas-5:25 nang hapon hanggang kusa itong tumigil ganap na alas-singko nang madaling-araw kahapon.

Nahirapan ang mga bombero na maabot ang apoy dahil walang road access patungo sa bundok na nahaharangan pa ng malaking ilog kaya magdamag na binantayan ng San Jose Fire Station at Occidental Mindoro police ang lugar na malapit sa mga kabahayan.

Tinutukoy pa ang pinagmulan ng apoy pero posibleng sinadyang sunugin ang lugar na kalimitan umanong nangyayari ilang araw bago sumapit ang Mahal na Araw dahil sa mga dinaraos na ritwal dito.

Tinatayang mahigit na 800 hektarya ang tinupok ng apoy sa nasabing kabundukan. (Ronilo Dagos)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on