Inuga ng magnitude 4.2 na lindol ang San Isidro, Abra kahapon nang madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol may apat na kilometro sa hilagang silangan ng San Isidro sa lalim ng isang kilometro ganap na alas-5:35 nang madaling-araw.
Naramdaman ito sa Vigan, Ilocos Sur sa lakas na intensity IV; Benguet, Abra at Narvacan,Ilocos Sur, intensity III; Candon, Ilocos Sur, intensity II; at intensity I sa Batac, Laoag City, at Pasuquin, Ilocos Norte.
Walang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershock matapos ang pagyanig.