WebClick Tracer

Abante VISAYAS / MINDANAO

25 politiko sa Western Visayas, nakalinyang ipautas

Kinumpirma ng Police Regional Office (PRO) 6 na 25 na mga lokal na opisyal sa Western Visayas ang nanganganib ang buhay dahil sa bantang papatayin ang mga ito anumang oras.

Ayon kay PRO-6 director P/Brig. Gen. Leo Francisco, lumitaw na lehitimo ang mga bantang tinanggap ng mga ito base sa pag-aaral na ginawa ng kanilang mga istasyon ng pulisya sa lugar hanggang noong Marso 21.

Sa panayam ng Pa­nay News, sinabi ni Francisco na 18 sa mga ito ang high-risk at pito ang nasa medium-risk kung saan 16 ay mula sa Negros Occidental; Iloilo, anim; Capiz, isa; at Bacolod, dalawa.

Kabilang aniya rito ang siyam na municipal mayor/vice mayor, pitong punong barangay, dalawang city mayor/vice mayor, dalawang congressman, tatlong kagawad, isang city councilor at isang town councilor.

Nangako si Francisco na bibigyan nila ng dagdag na seguridad ang mga ito.

Isusumite muna aniya nila ang threat assessment at endorsement sa Police Security and Protection Group (PSPG) bago sila magtalaga ng mga tauhan para sa seguridad ng mga politiko.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on