Ginigipit umano ang Sugar Regulatory Administration (SRA) at Bureau of Customs (BOC) para gawing legal ang inimport na asukal na nasa Batangas Port at hindi ma-release dahil sa kawalan ng sapat na dokumento.
Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na konektado ang biglang pagbibitiw ni SRA Administrator David John Thaddeus Alba sa nakatenggang asukal sa Batangas Port na inimport ng isa sa pinapaborang trader ng Department of Agriculture (DA).
“If the resignation is due to his failing health, then I wish him a speedy recovery. But many sugar insiders believe that this is a clear sign that Mr. Alba has seen that Sugar Regulatory Administration is only being used as a rubber stamp to legitimize the preferential treatment given to All Asian and the other two importers. The circumstances seem to suggest that,” ani Hontiveros.
“Basta ang alam natin, sa kabila ng pressure ng DA, ay hindi pumirma si Administrator Alba sa sugar release order para sa mga smuggled na asukal na nakaipit pa rin sa Port of Batangas. Mabuhay siya!” dugtong ng senadora.
Aniya, hindi lang SRA ang ginigipit para ma-release ang asukal kundi pati na rin ang BOC
“Malalaman din natin sa mga susunod na araw kung bibigay din ang legal division ng Bureau of Customs — na siya namang inasahan ngayon at under pressure na baligtarin ang seizure orders sa smuggled na asukal ng “favored” traders,” ani Hontiveros.
Hinimok ni Hontiveros si Alba na isiwalat ang katotohanan sa kanyang pagbibitiw dahil kung hindi niya gagawin ito ay baka siya ang makasuhan pagdating ng panahon.
“We urge former Administrator Alba to come out and speak his truth. We urge others to come out if they have information as well. Baka kung Hindi, you will be left holding the bag,” giit ng senadora.