Bata pa lang ay mahilig ng mag-drawing si Rinaldi de Guzman na mas kilala sa tawag na Rocky. Nakakitaan siya ng pagkahilig sa sining. Ngunit mas pinili niyang maging doktor dahil ninais niyang magtrabaho sa abroad.
Dahil sa pagmamahal niya sa sining ay kumuha muna siya ng AB Humanities bilang pre-med course. Kaya naman ng makapagtapos ng pag- aaral ng medisina sa University of the East ay sandaling nagtrabaho sa Pilipinas at hindi nagtagal ay nanirahan na siya sa Amerika. Habang nasa Amerika ay kumuha naman siya ng residency sa Internal Medicine na sinundan ng Fellowship sa Geriatrics na ang specializations ay mga elderly at naging Chief of Geriatrics.
Naging Medical Director ng Extended Care ng Veterans Administration (VA) Medical Center sa Bronx, New York. Minsan dahil sa sobrang busy sa trabaho ay nawawalan siya ng panahon para magpinta. Ngunit kung may pagkakataon tinitiyak niya na mabibigyan ng oras ang pagpipinta para hindi niya makalimutan ang passion niya sa sining.
Ninais niya na maagang magretiro sa medisina para mabigyan naman niya ng panahon ang sining. Lalong napaaga ang kanyang plano sa pagreretiro ng nagkaroon ng pandemic. Nasa New York siya noong pandemic at nakita niya ang mga pangyayari dahil siya ang naka-assign sa mga elderly sa hospital . Maraming tinamaan ng Covid at maraming namamatay. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para muling magpinta habang sila ay naka-lockdown. Dito niya binuhos ang kanyang panahon sa pagpipinta. Pinag-aralan niya ang pag gamit ng ibat ibang medium tulad ng water colors, acrylic at oil painting. Sinubukan din niya ang ibat ibang estilo ng pagpipinta tulad ng abstract to impressionistic, figurative at non figurative. Ilang obra din ang kanyang nagawa. Hanggang sa nakita niya na mas maganda ang paggamit ng watercolors dahil mabilis matuyo. Kumukuha siya ng inspirasyon sa mga karanasan niya sa buhay, mga bagay sa mga paligid na nakikita niya at yung mga tema ukol sa Filipiniana . Nais niya na sa bawat obra niya ay makikita ang ibat ibang emosyon tulad ng masaya at malungkot. Gusto rin niyang mag- isip ang bawat tumitingin ng kanyang obra kung bakit niya pininta at ginuhit ang ganitong subject dahil nais niyang maging punto ng pag- uusap ang kanyang mga obra.
Nais pa rin ni Doc Rocky na ipagpatuloy ang kanyang bokasyon bilang doktor kahit siya ay semi retired na upang makatulong pa din sa mga elderly at gamitin ang kanyang talento sa pagpipinta.
Sa ngayon ay pabalik-balik na lang si Doc Rocky sa Pilipinas at Amerika para bisitahin ang kanyang mga magulang at kapatid.
Kaya PASIKATIN NATIN SI DOC ROCKY para sa pagpapatuloy ng kayang mga ginagawa.
Si Doc Rocky ay ang taong ayaw ng problema dahil mas nais niyang maging solusyon sa problema at hindi maging problem solver.
Ang isang magandang pangyayari sa kanya sa kasalukuyan ay ang kaunaunahang pagsali nya sa isang major group exhibit na KaLIKHAsan sa Artablado – Robinsons Galleria.
Sa mga nagnanais makita ang mga obra ni Doc Rocky ay maaring bumisita sa exhibit hanggang March 31,2023.