WebClick Tracer

Abante VISAYAS / MINDANAO

Mag-asawa niratrat ng tandem sa Zambo

Sugatan ang isang mag-asawa matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakaupo sa tindahan ang mga ito noong Huwebes sa Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktimang mister na si Ednald Caluya, 40, negosyante na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan habang ang misis nito na hindi ipinabanggit ang pangalan ay nagtamo ng isang tama ng bala, kapwa residente sa Pagadian City at ginagamot sa isang ospital sa lungsod.

Sa ulat na ipinadala ni Police Regional Office (PRO) 9 spokesperson Police Major Shellamie Chang, nakaupo ang mag-asawa sa isang tindahan sa Purok 2, Barangay Sinaguing nang dumating ang mga suspek bandang alas-12:10 nang tanghali.

Nagtanong pa umano kunwari ang mga suspek sa mag-asawa kung may bumibili pa ng copra sa lugar.

Bago pa man makasagot, binunot na ng backrider ang kanyang cal. 45, pinagbabaril ang mga biktima at saka mabilis na tumakas ang mga ito.

Agad naisugod sa ospital ang mga biktima na kapwa nasa ligtas ng kalagayan. Patuloy na iniim­bestigahan ang insidente. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on