WebClick Tracer

LIFESTYLE

Mural na gawang Pinoy bumida sa Madrid

Kamakailan lang ay ibinida ng Philippine Embassy sa Madrid, Spain ang ‘Bayanihan Mural’ na buong husay na nilikha ng mga kababayan natin sa pangunguna ng Pinay artist na si Karina Jardin.

Humigit-kumulang 26 volunteers ang nagtulong-tulong upang maisagawa ang mural na ito. Nakaangkla ang tema nito sa kababaihan, komunidad, at kalayaan bilang pag-alala sa 125th anibersaryo ng Philippine Independence kung saan ni-highlight ang elemento ng bayanihan.

Mababasa ang mga salitang baybayin na ang ibig sabihin ay “Babae, Bayanihan, Padayon, Kalayaan.”

Dagdag pa rito, makikita rin sa naturang mural ang iba’t ibang disenyo na konektado sa pagkakakilanlan, kultura, at tradisyon ng ‘Pinas. (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on