WebClick Tracer

Abante VISAYAS / MINDANAO

Estudyante binoga sa likod, tigok

Patay ang isang 20-anyos na estudyante matapos itong barilin sa likod ng hindi pa nakikilalang suspek sa Poblacion 3, Cotobato City nitong Huwebes.

Ayon kay Cotabato City Police Station 1 commander Major John Vincent Bravo, inaayos ng biktimang si John Carlo Quezon ang kanilang water vendo machine sa Doña Theresa St., Poblacion 3, Cotabato City nang dumating ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima habang nakatalikod ito bandang alas-otso nang gabi.

Tumakas din agad ang mga ito nang bumulagta ang biktima.

Nakuha sa lugar ng krimen ang dalawang basyo ng caliber 9mm pistol.

Iniimbestigahan na ang motibo sa pamamaril­ para matukoy ang mga suspek o utak ng krimen.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on