Nagsalita na rin ang actress na si Yassi Pressman sa isyu ng kanyang kapatid na si Issa Pressman at ng actor na si James Reid.
Kung bakit nga ba sa tagal na rin na tapos ang relasyon ng aktor kay Nadine Lustre (at matagal nang may karelasyon din ang dalaga) ay tila ang daming ‘nega’ o hindi pabor sa relasyong James-Issa.
May mga nagagalit at namba-bash. At nandiyang idinadawit din si Yassi na kaibigan pa naman daw ang turing ni Nadine at kung ano-ano pang issue.
Noong Sabado sa kanyang Instagram account, nag-post si Yassi at kahit walang direktang mga pangalan na tinukoy, nai-connect agad ito, lalo na ng mga netizen sa isyu.
Sabi lang ni Yassi, kung maka-judge raw ang iba at magli-limit na rin daw siya ng puwedeng mag-comment sa IG niya.
“Smiling cause you don’t know anything about our personal relationships. Kung maka-judge!! Ang i-judge nyo na lang ay si Kuring at si Daphne mamaya ng 6pm sa Kurdapya- at ayan siguradong mas laughtrip pa!
“Sabi nga ni Kuring ‘peezawt mga tropapeeps peezawt’.
“Baka rin i-limit ko ang comments section kung may hurtful words, I only welcome positivity, love & kindness here, peezawart!”
Sinabihan naman si Yassi ng ilang fan na dedma na lang daw dapat ito sa mga toxic at negative.
Mrtyle mag-speech para sa world’s leading game developers
Talagang iba na ang pangalan na nalilikha ng Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa pagdating sa online gaming world. May ibang mundo ito na bonggang na-penetrate ng actress at kilalang-kilala talaga siya.
Last year, siya ang kauna-unahang awardee for the TikTok Award in Gaming. At ngayong taon naman, siya ang very first content creator na maglo-launch ng kanyang Fan Token together with WeMade Entertainment.
Pero ang isa pang maipagmalaki ni Myrtle, ngayong March 20, siya lang ang bukod-tanging Filipino na naimbitahan sa Premier International Conference: The Game Developers Conference or the GDC in San Francisco para magbigay ng speech sa harap ng world’s leading game developers.
Walang duda, lalo na at ipinagdiriwang pa rin ang International Women’s Month ngayong buwan na si Myrtle ang best representation ng empowered woman pagdating sa gaming world.