WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Vic Manuel, Beermen pinagbalot FiberXers

Mga laro sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – Phoenix vs TNT
5:45 pm – Magnolia vs Meralco

NAGBAON si Vic Manuel sa pangalawang sunod na pagkakataon ng 20 points sa perpektong salpak upang manduhan ang ang San Miguel sa pagsenglot sa Converge, 121-105, upang tumuntong na sa semifinals ng PBA Govenors’ Cup Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

May 9-of-9 field goald shooting siya na sinahugan pa ng 4 rebounds atg tig-1 assist at steal upang hatakin ang second seed Beermen sa Final 4 at pag-impakihin na ang seventh seed FiberXers sa season-ending conference.

“Kailangang mag-perform lang ng maayos, sabi sa akin ni coach George (Gallent) kaya maganda ang resulta,” sey ng basketbolistang hinirang na best player of the game at nagbabalik mula sa injury.

Pero nanguna ang import na si Cameron Clark sa serbesa sa 39 markers, 13 boards, 3 assists at 1 para sa pangalawang sunod na pag-abante sa semis ng team tapos sa Commissioners’ Cup.

Nagdagdag din si CJ Perez ng 20 pts., 10 rebs., 5 asts, 5 stls at 1 blk. para sa Beermen na bumuhos sa sa ikatlong yugto sa pagbomba ng 15-4 atake upang maagang lumayo sa labanan at iwanan ang FiberXers. .

May 12 pts. pa si Jericho Cruz.

Muntik pang magkagulo sa huling 1:42 minuto ng laro matapos na maganap ang foul ni Jeron Teng kay Clark.

Itinala ng Beermen ang pinakamalaki nitong 15 puntos na abante sa 94-79 mula sa lay up ni Cruz sa ikatlong yugto habang lima naman sa FiberXers sa 64-59 sa salpak ni Justin Arana sa third quarter.

Ang iskor

Unang laro

San Miguel 121 – Clark 40, Perez 26, Manuel 20, Cruz 12, Tautuaa 8, Lassiter 7, Enciso 6, Ross 2, Brondial 0, Bulanadi 0.

Converge 105 – Vodanovich 39, Ahanmisi 18, Arana 14, Stockton 12, Melecio 11, Teng 7, Balanza 4, Murrell 0, Tratter 0, Ebona 0, Tolomia 0, Racal 0.

Quarters: 34-27, 57-58, 94-82, 121-105. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on