WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Maraming Pinoy nagkakasakit sa sobrang asin

Doble ng pinapayagang dami ng salt intake ang kinokonsumo ng mga Pilipino kada araw, isa sa mga sanhi kung bakit marami ang may cardiovascular disease sa bansa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang inirerekomendang sodium intake sa isang adult kada araw ay 2,000 milligram (mg).

Pero batay sa pag-aaral ng WHO noong Oktobre 2022, ang average na sodium intake ng mga Pilipino ay 4,113 mg o mahigit doble ng pinapayagan.

Ang mataas na sodium intake, ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes ay iniuugnay sa mataas na bilang ng mga Pilipino na mayroong high blood pressure. 35% naman ng mga namamatay ay sanhi ng cardiovascular disease gaya ng sakit sa puso at stroke.

“Reducing our salt intake will not only improve our health but also lower the risk of high blood pressure, heart disease, stroke and premature death,” giit ni Reyes. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on