WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Lumolobong kaso ng HIV pinaawat sa DOH

Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang pamahalaan na tugunan ang nakakaalarmang pagtaas ng Human Immunodeficiency Virus infection at Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa bansa.

Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on health, sapat na ang pondong inilaan sa pambansang badyet para sa pagpapatupad ng Philippine HIV and AIDS Policy Act o Republic Act No. 11166.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos iulat ng Department of Health (DOH) na may 1,454 na bagong kaso ng HIV nito lamang Enero o average na 46 kaso kada araw. Nasa 86 sa mga kaso ay mga kabataan at bata.

Dahil dito, dapat aniyang gumawa ang gobyerno ng strategic plan para mapunan ang kakulangan sa pagpapatupad ng HIV law. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on