Ikinatuwa ng dalawang senador ang plano ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na alisin ang mga lalaking police officer sa front desk duty at palitan ng mga babaeng pulis.
Umaasa si Senadora Risa Hontiveros, chairperson ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, na hindi malilimitahan bilang customer relations ang posisyon para sa mga babaeng pulis.
Naniniwala si Hontiveros na marami pang magagawa ang kababaihang pulis tulad ng pamumuno sa mga operasyon.
Samantala, sinabi naman ni Senadora Grace Poe na ang pagtalaga sa mga babaeng pulis bilang front desk officers ay maaring solusyon sa ‘under-reporting and under-recording’ lalo na sa gender-based violence.
“We know women to be more compassionate and more approachable, yet tough and determined,” ani Poe. (Dindo Matining)