WebClick Tracer

Thursday, March 30, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Happy raw sa relasyon ng hunk actor kay Rabiya, pero… Nanligaw sa akin si Jeric – Klea

Diretsong sinagot ng Kapuso actress na si Klea Pineda ang tanong tungkol sa nabalitang panliligaw sa kanya noon ni Jeric Gonzales.

Ayon sa ‘AraBella’ star, nangyari raw ang panliligaw ni Jeric nang magsama sila ‘Magkaagaw’ noong 2019. Pero hindi raw niya maamin ‘yon noon dahil personal na bagay raw iyon para sa kanila ni Jeric.

“Yeah. Nanligaw sa akin si Jeric. Noong tanungin ako before ng press about it, ang alam ko na-speechless ako no’n, eh, na hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Kahit i-compose ko ‘yung sarili ko, hindi ko talaga kayang sagutin ‘yung tanong.”

“Siyempre ang initial reaction ko, magde-deny ako sa kung anong tanong man ‘yon. Ide-deny ko nang sobra-sobra, at wala pa ako sa point na ready ako sagutin ‘yung question na ‘yon. Sige i-deny ko hangga’t kaya ko. Kasi hindi pa rin ako ready no’n. ‘Yun ang isa sa mga na-invade ‘yung privacy ko nang malala.”

Hindi man nagkaroon ng totoong relasyon sa tunay na buhay sina Klea at Jeric, nanatili naman daw silang magkaibigan. At happy naman daw si Klea sa lovelife ngayon ni Jeric with Rabiya Mateo.

Eva Le Queen artista na

Hindi inakala ng ‘Drag Race Philippines’ Season 1 contestant na si Eva Le Queen na mabibigyan siya ng pagkakataong umarte sa isang teleserye. Kasama siya sa cast ng ‘The Write One’ ng GMA Public Affairs at Viu Philippines.

Ikinatuwa pa ni Eva na binigyan daw siya ng creative freedom para sa character niya sa teleserye.

“This is my first acting engagement. I’m a performer kasi, I do drag. Puwede pala na I am myself. Kasi for my role Queenie, hinaayan nila ako to do the creatives of who my character is. Talagang I do my own makeup on the set. I style myself. I do my own wigs.”

“Hinayaan ako and I’m just really proud to represent the queer community and my drag community dito,” sey ni Eva na natuwang katrabaho sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Lotlot de Leon at iba pang kasama sa teleserye.

Dating OFW sa Singapore si Eva na taga-Marikina City. Umabot siya sa Final 4 ng Drag Race Philippines at founder siya ng Drag Playhouse PH na tumutulong sa ibang drag artists.

R’Bonney uuwi ng ‘Pinas

Sa May na ang scheduled na bisita ng kauna-unahang Filipino-American Miss Universe na si R’Bonney Gabriel.

“I grew up going to the Philippines just as a child and just going on a vacation there, and to actually be somewhat an inspiration to the people in the Philippines now is amazing. I will be visiting the Philippines soon in May. We’re gonna have a huge event there as Miss Universe, so I’m really excited. For all the Filipinos tuning in, I cannot wait to meet you,” sey ni Miss Universe 2022.

Sa Texas pinanganak si R’Bonney at lumaki siya na alam ang maraming Filipino values at magsalita ng Tagalog dahil sa kanyang ama na isang Pinoy.

Bago manalo si R’Bonney bilang Miss Universe 2022, isa siyang fashion designer gamit ang mga sustainable materials. Gusto raw niyang ituro ang paggamit ng sustainable materials sa budding designers ng Pilipinas.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on