WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Para ‘di bastos! Mga bebot papalitan kelot na PNP desk officer sa NCR

Imbes na mga lalaking pulis ay papalitan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Edgar Okubo ng mga babaeng pulis ang mga desk officers sa mga police station sa Metro Manila.

Sa meet and greet ni Okubo sa media kamakalawa ng gabi, sinabi ni Okubo na ang gagawing pagbabago ay upang mas mapalapit ang kapulisan sa taumbayan dahil karaniwan ang mga lalaking desk officers umano ay nagiging bastos sa mga complainants.

“Mas may patience kasi yung mga babae na mag entertain ng mga customers (complainant) dahil doon sa research ko na ginawa using yung mga hidden cameras ng ating R2 ay medyo hindi ako natuwa,” pahayag ni Okubo sa panayam ng media.

Ang sinasabi kasi ni Okubo na hindi niya ikinatuwa sa mga lalaking pulis na desk officers ay mayroon siyang nakitang pinapagalitan ang isang complainant dahil hindi naiintindihan ang reklamo nito, mayroon namang isang lalaking desk officer na tuloy ang panonood ng TV at hindi masyadong pinapansin ang complainant.

Ayon pa kay Okubo, kapag babae na ang mga desk officers sa mga police stations sa Metro Manila ay tatawagin nila itong costumer relations officer, upang mas gumanda ang connections ng complainants.

“Kasi ang mga babae ay meron silang patience na makinig doon isasangguni ng mga customers kaya tawagin natin silang customer relations officer para mas maganda ang connection ng complainant, si female police officer na ang magcoconnect doon sa investigator, PCR, operation or yung station commander”, paliwanag ni Okubo.

Uumpisahan ni Okubo ng pagpapalit sa mga babaeng desk officers sa mga major police stations sa Metro Manila sa mga susunod na araw.

Samantala ang mga aalising lalaking desk officer ay ilalagay na lang sa kalsada upang mapalakas lalo ang police visibility dagdag pa ni Okubo.(Edwin Balasa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on