WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Michele Gumabao, Creamline kumatok sa All-Filipino finale

Semis Game 2 sa Martes: (Mall of Asia Arena)
4:00pm — PLDT vs Petro Gazz
6:30pm — Creamlin vs F2 Logistics

NAIPAGHIGANTI ng Creamline Cool Smashers mula sa malaking tulong ni Michelle Gumabao ang kanilang nag-iisang talo sa preliminaries kontra F2 Logistics Cargo Movers upang maiselyo ang Game 1 na 26-24, 25-18, 22-25, 25-15, panalo, Sabado ng gabi, sa best-of-three semis ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City kahapon.

Rumatsada ng opensiba ang 30-anyos na opposite hitter ng kabuuang 21 puntos mula sa 20 atake at isang block para magpiling Best Player of the Game.

Nanguna naman sa iskoring si Diana Mae “Tots” Carlos na kumana ng triple-double mula sa 22 puntos sa lahat ng atake, kaantabay ang 17 digs at 15 excellent receptions.

“I think what’s more important is nakabawi kami sa mga error namin in the past games, marami pa ring lapses this game, but medyo nagawan namin ng paraan, pero ang importante talaga we worked as a team and working hard every single point,” wika ng 5-foot-9 volleybelle-turned-beauty queen matapos ang laro.

“I think we need to work on our errors, first and foremost, especially on our serves, so that concept that we had 11 errors, talagang medyo masakit iyun para sa amin, so kailangang mas tumatatag kami as the game goes by, we have to work on ourselves starting with practice, with training and we have to keep working hard talaga.”

Sumuporta rin sa paglikha ng puntos si 2019 Conference MVP Jema Galanza na tumapos ng 12 puntos at siyam na receptions, gayundin si Jeanette Panaga na may 11 puntos, habang may nilikhang 26 excellent sets si Julia Morado-De Guzman kasama ang apat na puntos.

Tagumpay na naipamalas ng Cool Smashers ang kanilang matinding opensa nang humataw ito ng tig-18 puntos mula sa atake, habang kinapos sa tulong ang Cargo Movers na mayroon lamang 11 at 10 puntos galing sa atake.

Sinusubukang sumandal ng Cargo Movers sa kanilang depensa, higit na sa blocking department, subalit patuloy na hindi sapat sa atake ng opensiba ng Cool Smashers. (Gerard Arce)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on