MARAMING customer ng Maynilad Water Services sa National Capital Region (NCR) at Cavite ang makakaranas ng arawang water service interruption hanggang Marso 21.
Sa advisory ng Maynilad, ang water interruption ay bunsod ng “prolonged high raw water turbidity” na pinalala ng malakas na hanging Amihan sa Laguna Lake.
Apektado ng limitadong supply ng tubig ang ilang barangay sa Las Piñas City, Muntinlupa City at Parañaque City sa NCR, gayundin ang Bacoor City, Cavite City, Imus City, Noveleta, at Rosario sa Cavite.
Nakalista ang mga apektadong barangay sa Facebook account ng kompanya. Pinayuhan din nila ang mga customer na mag-ipon ng sapat na tubig.
“Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,” ayon sa Maynilad.
Mag-iikot ang mga water tanker ng Maynilad sa mga apektadong lugar upang magdeliber ng tubig at matatagpuan din ang stationary water tanks sa maraming lugar.
Muling humingi ng paunawa ang Maynilad sa abalang idinulot ng water interruption.