WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Mark Elliar tagumpay sa Europa

Di na lingid sa kaalaman ng mga netizen lalo na sa mga chismosa nating kapitbahay ang hirap ng buhay sa panahong kasalukuyan kaya naman ang karamihan sa bawat Pilipino mas pinipili na lamang ang makipag sapalaran abroad, saang panig man ng mundo hindi maaring wala kang makikitang Pinoy.

Kaya naman ang aking chika sa inyo ngayon araw ay isang kwentong OFW na nakipagsapalaran sa Europa o sa bansang France paano nga ba naging matagumpay abroad si Mark Elliar.

Bago natin alamin ang lahat ng kaniyang pinag daanan kilalanin muna natin kung sino nga ba si Mark Elliar. Si Mark ay isang tubong Pampanga (Sabi nga nila basta kapampangan manyaman Charr! LOL!) lumaki sa siyudad ng Angeles, nag aral at nag tapos sa Angeles University Foundation sa kursong AB Masscommunication.

Pero alam niyo ba kahit natapos ni Mark ang kaniyang kursong kinuha hindi niya ni minsan na practice mag trabaho sa broadcast and media industry bagkus ay maraming sinubukan na pasukang trabaho si Mark pero ayon sa kaniya ay hindi rin siya tumatagal kaya naman pinasok din niya ang pag ne-negosyo, hanggang sa nakaisip ito na sumubok makipag sapalaran sa banyagang bansa.

(Kasi may mga personaI goals tayo dreams ganun, sakin kasi naisip ko parang matagal sa Pinas I’m not degrading Philippines in fact I’m a proud Filipino kaya lang siyempre Europe is Europe eh in terms of monetary kaya ako naisip ko together with my wife na mag try dito kahit na yung job sobrang malayo sa ginagawa namin sa Pilipinas) Pahayag ni Mark.

Gaya ng karamihang mga OFW hindi rin naging madali para kay Mark ang unang dalawang taon nilang mag asawa sa Paris kung sa Pilipinas ay de kotse at sa opisina nag ta-trabaho, pag tuntong niya ng France ay isa siyang baby sitter yes! Correct tama ang inyong nabasa from being an account executive to businessman down to a baby sitter.

Dahil nasa ibang bansa no choice si Mark kundi itapon o isan-tabi na muna ang kaniyang pride dahil mas iniisip niya ang kapakanan ng kaniyang pamilya at future nilang mag asawa di naman nabigo ang mga ito sa naging hakbang nila bagama’t napakahirap sa una di pa rin nila ito sinukuan at nag tiwala sa kanilang mga kakayanan at higit sa lahat tiwala nila sa poong may kapal.

(Right now binabalikan namin lagi yung naranasan namin mag asawa, naka tira kami that time 12 sqm. lang yung kwarto tapos andun na lahat, pero yung talagang struggle namin is yung first 2 years, kasi naubos yung ipon namin sa Pinas pag punta dito so nag tipid talaga kami di kami kumakain sa labas, alam mo yung baguette dito? yun na yung almusal ko yun na rin ang lunch) Pag sasalaysay ni Mark.

Pero hindi naman puro paghihirap lang ang pinag daanan ni Mark dahil sa kanilang ikatlong taon sa Paris marami na silang naka trabaho at naging mga kaibigan dito na nga mag uumpisa ang tunay na kwentong tagumpay ni Mark Elliar.

Kwento nga ni Mark dumaan ang mga araw na naiinip siya at nasa bahay lamang kaya madalas niyang gawin ay manood ng mga vlog sa youtube at noong mga panahong iyon usong-uso ang mga travel videos at dito na nga niya naisip na gumawa rin ng vlog para mai-upload sa kaniyang youtube channel.

Dagdag pa ni Mark tinulungan siya ng boss niya na makabili ng mga gadgets gaya ng camera at iba’t-ibang uri ng lente upang makapag simula siya sa sana’y hobby lamang pero sadyang mapag biro ang tadhana kung nung una ay para sa mga kaibigan at kaanak lamang ang mga video na kaniyang ginagawa di niya inakala na ipakikilala siya ng kaniyang boss sa isang multi-millionaire na kaibigan nito. (Mapapa sanaol ka nalang talaga LOL!).

Going back, ipinakilala si Mark sa kaibigan ng kaniyang boss hindi para mag baby sit sa mga anak nito kundi para kumuha ng mga larawan at gumawa ng video para dito at dahil baguhan nangangapa pa si Mark sa kaniyang ginagawa pero dahil na rin sa kaniyang angking talento nakitaan siya ng potential ng mga nakapanood ng kaniyang mga videos.

Dito na nga nag tuloy-tuloy ang kaniyang career as a videographer pero sa di inaaahan dumaan ang panahon ng pandemya at pansamantalang nahinto si Mark sa kaniyang trabaho pero hindi pa jan nag tatapos ang lahat dahil may isang malaking biyaya palang dadating sa buhay ni Mark.

(After ng pandemic gusto ko pa rin ituloy yung photography and videography life until such time na may gagawan ako na isang video yung model may kasama siyang kaibigan niya na isang Mexican hindi ko alam sikat pala na photographer dito tapos hinihintay niya yung video after ng shoot so sabi ko bakit niya hinihintay di naman siya yung nagpapagawa yun pala curious siya sakin kasi nakitaan ako ng potential then nung nakita niya yung result nagandahan siya kaya agad na siya nakipag meeting sakin).

Pag-sasaad pa ni Mark matapos ang kanilang meeting ng Mexican photographer limang proyekto agad ang ibinigay sa kaniya, laking tuwa naman nito dahil kung dati mga turista lamang ang mga nagiging kliyente niya ngayon ay mga brands at influencers na ang mga nakukuhang project ni Mark.

Sadyang nakaka proud talaga na may isang Pinoy na naman ang naging matagumpay sa ganitong uri ng karera lalo pa sa banyagang bansa. Pero eto ang isa pang nakaka proud dahil na iimbitahan na rin si Mark sa mga malalaking event sa Paris at marami na rin siyang na meet na mga international stars (Oh! diba bongga proud kapampangan here!).

Bago naman magtapos ang aming chikahan ni Mark sinamantala ko na ang pagkakataon na tanungin ito kung ano pa nga ba ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

(Magandang tanong yan kasi ako talaga very vocal ako sa social media isang pangarap ko talaga makita yung isang gawa ko na pina-flash siya around Paris siguro maiiyak ako nun) Naks! i-manifest natin yan ka abang-abang!

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on