WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Letran idinamay sa hukay Arellano

ISINAMA ng Letran Lady Knights sa pagbakasyon ang Arellano University Lady Chiefs matapos talunin 21-25, 25-16, 21-25, 25-20, 15-10 sa 98th NCAA women’s volleyball tourney eliminations kahapon sa San Andres Sports Center.

Si Cha Cunada ang umakbay sa Letran sa fifth set kaya nakuha ng Lady Knights ang panalo.

Bago pa man nagsimula ang laban ay wala nang pag-asa ang Lady Knights na sumampa sa susunod na round, habang may tsansa naman ang Lady Chiefs na makahirit ng laro sa semifinals.

Kailangan lang na maipanalo ng Arellano ang dalawang natitirang laro para manatili ang kanilang asam na makalaro sa semis pero sinalto agad sila ng Intramuros-based squad Letran.

Dahil sa panalo, nilista ng Lady Knights ang 4-5 karta, habang 4-4 ang record ng Arellano sa event na may 10 teams, single round robin format. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on