WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

KaLIKHAsan

Isang matagumpay na pagbubukas ng exhibit ng Daloy Likha na pinamagatan na KaLIKHAsan sa Artablado ng Robinsons Galleria – Ortigas. Ang Daloy Likha ay pinamumunuan ng mag asawang Noel Bueza at Marilyn Bueza.

Ito ang aking pangalawang pagkakataon na nakibahagi ako sa Art Exhibits. Isang malaking hamon para sa akin dahil kailangan kong gumawa ng bagong obra.

Halos anim na oras ko lamang tinapos ang dalawang obra kong ito. Hindi naman ako nabigo na makagawa ng kakaibang obra na may titulong “Gandang Filipina “ na may sukat na 24 x 18 inches.

KALIKHASAN ang tema ng Exhibits na tumatalakay sa ganda ng ating kalikasan. Halos mahigit na dalawampung Artists ang nag sama sama para Ipakita ang galing ng mga pinoy artists. May kanya kanyang mga estilo ang bawat likha at obra ng mga artists. May mga gumamit ng oil painting , acrylic, mixed media at yung Iba naman ay metal sculpture.

Ang mga special guests of Honors ay sina Direk Joey Gonzales, Bench M Bello – CEO at Editor in Chief ng Ganap Magazine International,Archt. Edgard Revita, , Atty. Victor Dennis Ngo, Mr. Gabriel Yap,
Ms. Fristin Yap at Mr. LV Valones. Ang programa ay hosted by Renz Fernando na isang WCOPA Multimedalist at New York Film Academy Alumna, International Artist, naging top Finalist ng The Clash at heartthrob Artist sa Indonesia.

Ang mga Artists na mga kasama ay sila Noel Bueza, Eunice Logro, Brando Limon Bati, Vincent Christopher Gonzales , Al Perez, Nap Limaten Bungalen, Pauline Racelis , John Guarnes, Maan Premacio, Nani Reyes , Jake Peralta, Ediefer Gutierrez , Rebie Abas, Rinaldi de Guzman , James Dayrit, Sherwin Paul Enriquez , Dean Gonzales , Rene Atencia, Marlene Ayen Galit, James Frani Dayrit, Jonathan Jalac, Ica Horario Enriquez, Jun Sergio Rocha, Zorrick Enriquez, Bing Siochi, Lex Gozon at Adler Llagas.

Ang exhibit ay nag simula noong March 17 hanggang March 31 sa Artablado, Robinsons Galleria-Ortigas.

Sa mga nagnanais bumili ng mga Obra. Makipag ugnayan lamang kay Marilyn Bueza.

Pasikatin at tangkilikin ang obra ng ating mga lokal artist.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on