WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Ilog sa Australia `natabunan’ ng mga patay na isda

Milyon-milyong patay na isda ang naglutangan sa bayan ng Menindee sa New South Wales, Australia nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa ulat, nangyari ang fish kill kasunod ng naranasang heatwave sa Australia.

Kumalat naman sa social media ang mga video kung saan ipinakita na halos natabunan ng mga patay na isda ang Darling River sa Menindee.

Ayon sa mga awtoridad, dulot ito ng nararanasang heatwave kung saan apektado umano ang Darling River na isa sa pinakamahabang ilog sa Australia.

Hindi naman makapaniwala ang mga residente sa nakitang sobrang dami ng mga isdang namatay sa ilog.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on