WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Eya Laure, UST pinagpag kalawang sa unang set

Mga laro Linggo: (Filoil EcoOil Centre)
11:00am — DLSU vs Adamson (women)
3:00pm — Ateneo vs UP (women)

BINUHAT ni Eya Laure ang University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses patungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo nang makabangon sa pagkakasadlak sa first set at sandamakmak na errors patungo sa four set na panalo kontra University of the East (UE) Lady Warriors 30-32, 25-18, 25-16, 25-14, Sabado sa 85th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

Kumarga ang 23-anyos na season 81 Rookie of the Year ng kabuuang 18 puntos mula sa 14 na atake, kasama ang tatlong blocks at isang ace, kabilang ang anim na digs upang tulungang tapusin ang first round sa 5-2 kartada.

Sinegundahan naman siya sa iskoring nina rookie Regine Jurado sa 13 points mula sa 10 kills, Milena Alessandrini sa 12 points, Imee Hernandez (10) at Kecelyn Galdones (8).

“I-correct lang namin iyung mga unforced error namin at malamyang galaw. Iyun ang pinilit namin itama kasi hindi kami nagse-set ng tempo ng laro namin,” wika ni head coach Kungfu Reyes patungkol sa pagkakalat sa first set.

Maagang dinomina ng UST ang first set sa 17-6, kung saan binigyan ng panahon maglaro ang mga bench player, subalit mainit na bumalik ang UE sa pangunguna ni KC Cepeda at ang doble pigurang 13 errors ng Golden Tigresses at apat na blocks na depensa upang masilat sa 30-32 sa unang set.

Nabuhayan ng laro ang UST sa second at third set nang bumira ng mas maraming opensa at mas pinalawig ang floor at blocking defense nito upang makuha ang 2-1 kalamangan. (Gerard Arce)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on