Isang dating Senate President ang napipisil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susunod na executive secretary.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Abante, ang dating Senate president ang tatlo sa pinagpipilian ng administrasyon na pumalit sa kasalukuyang Executive Secretary na si Lucas Bersamin.
Binanggit ng source na ang politikong ito ang nangunguna sa listahan at matimbang na mapili ni Pangulong Marcos dahil sa experience nito sa gobyerno at husay nito sa pamumuno.
Hindi matatawaran ang galing nito sa lehislatura at pamamalakad sa pamahalaan.
Ang tatlong pagpipilian ay pupulungin sa Malacañang ngayong hapon, Marso 18.
Nauna nang itinanggi ni Bersamin na magbibitiw ito sa kanyang puwesto.