WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Buhain sa LPG Calabarzon summit: Pasalamat tayo may batas na

Direksyon patungo sa mas ligtas na tahanan at kalakalan ng LPG ang batas na nilikha para rito.

Ito ang naging mensahe ni Batangas 1st District Representative Eric Buhain sa kanyang pagsasalita sa Calabarzon leg ng nationwide LPG summit na ginagawa ng mga stakeholder ng industriya, Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI).

“Wala kaming mahihi­ling kundi ang kaligtasan ng bawat isa at naniniwala kami na ang liquefied petroleum gas ay magiging parte pa for a long time nitong ating bansang Pilipinas,” banggit ni Buhain.

Si Buhain ang naging guest speaker sa naturang leg na ginanap sa lungsod ng Lipa sa Batangas at dinaluhan ng halos dalawang libong retailer, distributor at maging ng mga consumer na nais malaman ang nilalaman ng Republic Act 11592 o LPG Law na nilikha para sa sektor.

“Mahaba ang batas [Republic Act No. 11592]. Mas mahaba pa ang Implementing Rules and Regulations si Cong. Arnel Ty nga, ipinapaliwanag na it is four times longer than the law. Maraming detalye kaya maganda na nandito kayo para makinig at maintindihan ang detalye ng inyong kontribusyon sa industriya ng LPG,” ayon pa sa kongresista.

Ang pribadong sektor na siyang nagtataguyod sa summit ay pinamunuan ni dating LPGMA Party-list Congressman Arnel Ty na kasalukuyang presidente ng REGASCO, isa sa mga aktibo sa industriya ng LPG sa bansa.

“Tamang-tama na ang Republic Act 11592 ay maituro, maibahagi para naman lalo pang mapa­ngalagaan ang ating mga consumers,” banggit pa ng kongresista.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on