WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

1 dedo sa DLTB bus na biyaheng Bicol

Patay ang isang lalaki matapos na ito ay masagasaan ng pampasaheong bus sa Quirino Highway, Brgy Sta. Cecilia, Tagkawayan, Quezon nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Marlon Del Rosario , residente ng nasabing barangay.

Batay sa report, alas 11:00 ng gabi nang ito ay mahagip ng DLTB bus na patungong Bicol habang papatawid.

Sinubukan pa itong iwasan ng bus subalit nasalpok din ito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Naaresto naman ng Tagkawayan police ang driver ng bus na si Arthuro Basco na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.(Ronilo Dagos)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on