WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Vendor paandar sa unli balut P120 challenge

Kanya-kanyang diskarte at marketing strategy ‘yan para kumita! Gaya na lang ni Arcel Celso na may paandar na unli balut sa halagang P120.

Kwento ni Arcel sa Abante News, “Para maiba po sa ibang nagbabalut at maging bago sa paningin nila, 99 pesos po dati price ng Unli Balut ko dahil po sa laki ng tinaas ng presyo ng balut. Last year ay ginawa ko itong 120.”

Sa challenge niyang ito ay gagastos ka lamang ng P120 kung saan unli na lahat ng kanyang paninda, mula sa balut, penoy, chicharon, at drinks na dapat mong makonsumo sa loob lamang ng 15 minuto.

Madalas siyang pumupwesto sa tabi ng Puregold Valenzuela. Bukod dito, ay inaalok niya rin ito online na ide-deliver na lang sa bahay mo.

“May time din po ako ng delivery ko. 5-7 nasa pwesto po ako. 7-8 time po ng delivery ko,” aniya.

Dahil sa kakaibang ganap niyang ito ay marami ang naaliw sa kanya. Pagbabahagi ni Arcel, “Marami pong natutuwa dahil bago po sa paningin nila itong hanap buhay ko. Lalo na motor po gamit ko sa pwesto. Marameng riders ang naaaliw, ‘pag nakikita po ang set up ko.”

Bukod dito, ibinida rin niya ang kakaiba sa kanyang balut business. Aniya, “Siguro po sir ‘yung quality ng balut at ‘yung kung paano po ako makibagay o makisama sa sukilabs ko (costumer). ‘Yung sa quality po sir hangga’t maaari po balut na puti talaga ang maititinda ko. Sinisilaw ko po ito sa umaga hinihiwalay ko po ang 17 days at 18 days at minamarkahan para po sa hapon po ‘pag tinda ko alam ko na po ibibigay ko sa nga sukilabs ko.”

Sa ngayon, 18 piraso umano ang highest record na naitala sa kanyang balut challenge.

Dagdag pa rito, kumikita naman si Arcel ng P1,000 hanggang P1,500 kada araw depende pa umano kapag walang umutang.

Talaga namang kudos sa kelot vendor na ito. Kaya naman ano pang hinihintay mo, dayuhin mo na rin siya sa kanyang pwesto at kumasa sa Unli balut 120 pesos challenge! (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on