WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Mahal na mahal si Coco: Sharon Cuneta ‘di lalayas sa ABS-CBN

Sa exclusive interview namin sa Megastar na si Sharon Cuneta para sa ‘Anything Goes’ Abante Teletabloid show namin na inilabas noong Thursday, 4:00pm, ipinagdiinan niyang hindi siya lalayas sa bakuran ng ABS-CBN.

Nagsimula ang usap-usapan na aalis na siSharon bilang Kapamilya nang mag-post siyana bukas siyang tumanggap ng trabaho mulasa ibang TV network.

Pero sabi nga ng Megastar, malinaw naman ang sinabi niyang wala siyang offer sa iba.

Sana nga raw ay binasang mabuti ang kanyangpost para naging malinaw sa mga nagsabingiiwanan na niya ang ABS-CBN dahil wala raw katotohanan ‘yon.

Sabi pa ng Megastar sa interbyu naming ‘yon, nauunawaan daw niya ang sitwasyon ng ABS-CBN lalo na at wala itong prangkisa at marami silang artista sa Kapamilya.

Pero ‘yon nga, habang wala pa siyangtrabaho, puwede naman daw siyang tumanggapng mga guesting sa iba, pero mananatili naman siyang Kapamilya!

Samantala, ipinahayag din ni Sharon namahal na mahal niya ang ‘anak’ na si Coco Martin dahil ito ang nakaisip na isama siyanoon sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

And who knows, baka biglang maisipan niCoco na isama naman si Sharon sa latest series nito na ‘FPJ’s Batang Quiapo’.

‘Yun na! (Jun Lalin)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on