WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
Abante VISAYAS / MINDANAO

Mag-dyowa nalitson sa nagliyab na traysikel

Nalitson nang buhay ang maglive-in partner nang mabunggo sa puno ang sinasakyan nilang traysikel at nagliyab ang laman nitong mga container ng gasolina sa Matalam, North Cotobato noong Miyerkoles.

Kinilala ang mga biktima na sina Josefa Cantire at kinakasamang si Mario Sorongon, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Barangay Kabucalan ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Matalam Bureau of Fire Protection (BFP), minamaneho ni Sorongon ang traysikel habang bumabagtas sa kahabaan ng Purok 3, Barangay Salvacion sa Matalam pauwi sa bahay nang umusok ang sasakyan bandang alas-11:00 ng umaga.

Nataranta umano ito kaya bumangga sila sa puno dahilan para bumaligtad ito at matapon ang karga nilang dalawang container ng gasolina.

Agad nagliyab ang traysikel na nakadagan kay Cantire kung kaya’t nasunog ito nang buhay habang sinikap pang iligtas si Sorongon sa kabila ng pagliyab ng katawan nito. Namatay din ito habang ginagamot. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on