WebClick Tracer

Sunday, March 26, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

326 tegi kay cyclone Freddy

Umabot na sa 326 ang mga nasawi sa pana­nalasa ng cyclone Freddy sa Malawi nang bumalik ito sa mainland Africa matapos humagupit noong nakaraang buwan.

Ayon kay Malawi President Lazarus Chakwera, lumobo naman sa 183,159 ang nawalan ng tahanan at inilikas sa ibang lugar dahil sa paghambalos ni ‘Freddy,’ na itinuturing ngayon bilang ‘World’s longest tropical storm.’

Umapela rin si Chakwera ng tulong mula sa global community para sa paghahanap ng mga survivor sa malawakang pagbaha at mudslide.

Unang tinamaan ng cyclone Freddy ang southern Africa at dumaan ito sa Madagascar at Mozambique hanggang sa Malawi bago matapos ang Pebrero.

Gayunman, walang epekto si ‘Freddy’ sa Malawi noong panahon na iyon. Hinambalos nito ang mainland Africa, kabilang ang Malawi, nang bumalik ito sa Indian ocean, nakapag-ipon ng puwersa at malupit na sumalanta sa nasabing bansa. (Betchai Julian)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on