Lahat gagawin para sa pamilya, ‘yan ang paniniwala ng isang mamshie na overseas Filipino worker (OFW) na ito na habang nagtatrabaho ay pinush na mag-aral pa.
Siya si Cherry Samson, 36-anyos kasalukuyang caregiver sa Dubai. Mayroon siyang tatlong junakis na binubuhay, pinag-aaral, at sinusustentuhan sa Pilipinas kaya naman batid ni Cherry na kailangan niyang kumayod ng sobra.
Sabi niya sa kanyang post, “Habang nag tatrabaho at pagka day off ko nag aaral po ako ng Nursing Assistant.”
Para kay Cherry, ang kanyang mga anak ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob at inspirasyon sa buhay. Sabi pa niya, “I know it’s hard to handle some situations like this to work while studying but when I think about the future of my kids I set aside all the consequences, they are also my inspiration in life.”
Isa umano sa naging struggle ay ang schedule. Aniya, “Ang mahirap pa nung nag aaral ako is night shift schedule ko po, kaya khit puyat pumapasok pa din ako kasi un lng ang oras ko po.”
Sa kabila nito ay matagumpay niya itong nalampasan. Ngayon ay nakapagtapos na siya bilang nursing assistant.
“So I encourage also and challenge not only Mom out there that age doesn’t be a problem to make their dream come true,” payo pa ni Cherry.
Talaga namang super mom sa kasipagan at pagmamahal sa kanyang pamilya ang bebot na ito! (Moises Caleon)